DAGUPAN CITY- Maaari umanong tumagal lamang ng 2-3 years ang criminal trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Atty. Joel Ruiz Butuyan, ito ay kung pagbabatayan na nag-iisa lamang ang akusado at crime against humanity murder ang tinutumbok na kaso.
Gayubnpaman, nakadepende pa rin sa ‘documents of charges’ kung mag-eexpand pa ang mga kasong kakaharapin ni Duterte.
--Ads--
At sa tingin ni Butuyan, kung marami talagang ebidensya na nagpapatunay sa iba pang kaso ay maaari pa itong maharap sa iba pang kaso.
Subalit, kung titignan lang din ang edad ng akusado na posibleng di na maabot ang prosekusyon, maaari rin na ilimita na lamang ng ICC ang demanda upang mapabilis ang trial at magkaroon ng conviction.