Patuloy na tumataas ang kaso ng tigdas hindi lamang sa rehiyon uno ngunit maging sa buong bansa, kaya naman isa sa mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Health region ay ang mga kaso na naitatala sa lugar.

Ayon kay John Paul Aquino ang siyang nurse v ng Department of Health- center for health development region 1 na mayroong 142 na suspected case ng measles na kung saan mayroong 13 ang nagpositibo sa tigdas habang ang lima naman ay positibo sa tigdas hangin. Anya na domoble ngayon ang naitatalang kaso kung ikukumpara sa nakaraang taon. Kaya naman panawagan nito sa publiko at pagpapabakuna upang matiyak ang malusog at ligtas na kalusugan.

Aniya na mahalagang magpabakuna upang makaiwas sa mga sakit at kanila naming tinitiyak na ligtas ang bawat bakuna dahil dumaan ito sa tamang proseso. Bukod sa pagbabahay Bahay na kanilang serbisyo maari rin silang magtungo sa kanilang rural health unit para sa bakuna libre at walang bayad.

--Ads--

Ngayon taon anya na target nila ang makapagbakuna ng nasa 104,967 sa edad na 0-12 months.