Tuluyan ng bumaba ang bilang ng mga naitatalang kaso ng measles o tigdas dito sa lungsod ng Dagupan Pangasinan.

Batay sa kumpirmasyon ni City Health Officer Dr. Ophelia Rivera, sa loob ng isang linggo nakakapag tala na lamang sila ngayon ng isa hanggang tatlong kaso nito kumpara noong buwan ng Enero hanggang Pebrero na magkaka sunod.

Giit ni Rivera, nasa tatlo hanggang limang barangay na lamang ang kanilang tinututukan dahil mayroon pa ding lumalabas na kaso ng tigdas at batay sa kanilang monitoring sa Brgy. Bonuan Gueset ang may pinaka maraming kaso.

--Ads--

Kadalasang nasa edad 5-15 taong gulang ang tinatamaan o nagiging biktima ng tigdas samantalang mayroon ding mangilan-ngilan na bilang ng mga matatanda na siya namang ikinagulat ng kanilang tanggapan.

Nangangahulugan lamang aniya ito na marahil noong sila’y bata pa at nabakunahan, hindi naging maganda ang kanilang immune system o di naman kaya ang ilan sa kanila ay talagang hindi nabakunahan.