DAGUPAN CITY- Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng rabies sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Kung saan ayon Kay Dr. Marie Sheila Ordinario, ang siyang Bureau of Animal Industry, ang kakulangan sa responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkalat ng sakit na ito.
Kaya’t mula sa bureau of animal Industry, sila ay nagpapaalala sa mga pet owners na ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang rabies ay ang pagpapabakuna ng kanilang mga alaga ng isa kada taon laban dito.
Sa ilalim ng mga umiiral na batas, ang mga aso at pusa ay kailangang mabakunahan laban sa rabies at magparehistro sa mga lokal na pamahalaan.
Hindi lamang ito isang legal na obligasyon, kundi isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang posibleng pagkahawa ng rabies, na isang malubhang sakit.
Bilang karagdagan, binigyang-diin ni dra.ordinario na dapat iwasan ng mga alaga ang pakikisalamuha sa mga wild animals at iba pang hayop na posibleng magdala ng rabies. Ang mga wild animals ang pangunahing pinagmumulan ng rabies, at ang pakikisalamuha ng mga alaga sa mga ito ay maaaring magdulot ng pagkahawa.
Sa kabila ng mga hakbang para sa pag-iwas, kung may hinala ang mga pet owner na ang kanilang alaga ay na-expose sa rabies, agad silang dapat magtungo sa isang beterinaryo. Maaaring kailanganin ng kanilang alaga ng karagdagang bakuna at masusing obserbasyon upang matiyak ang kaligtasan nito.
Sa pamamagitan ng edukasyon at pagsunod sa mga regulasyon, mas mapapalakas ang proteksyon laban sa rabies at masisiguro ang kaligtasan ng mga hayop at tao.
Sa ganitong paraan, ang simpleng hakbang ng pagpapabakuna at maayos na pangangalaga sa mga alaga ay magiging malaking tulong upang mapigilan ang pagtaas sa kaso ng rabies at mapanatili ang kaligtasan sa buong komunida.