DAGUPAN CITY- Nanatili pa rin ang kaso ng pertussis sa rehiyon 1.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, ang Medical Officer IV, Center for Health And Development Department Health Region 1, nananatiling 3 pa rin may kaso nito sa nasabing rehiyon at lahat ng mga ito ay nasa lalawigan ng Pangasinan.
Aniya, binibigay bilang pentavalent vaccine ang bakuna ng pertussis at ang Diphtheria, Tetanus, Hepatitis B at Influenza.
Binibigay din aniya ito sa kabataang nasa taong 1 pababa.
Sinabi din ni Bobis na inaasahan ang kakulangan ng bakuna sa susunod ng linggo dahil sa pagdagsa ng naghahabol ng vaccine, gayunpaman, ginagawan na ito ng paraan ng kanilang kagawaran.
Aniya, patuloy pa rin ang kanilang monitoring sa bilang ng mga nabakunahan nito.
Ayon pa din kay Bobis, may inaasahan ding reaksyon ng katawan ang parte ng binakuhan partikular na ang kaonting lagnat at pamumula nito.
Dagdag pa niya, masisigurado naman ang kaligtasan ng mga kabataan laban sa pertussis.