Hindi pa ikinokonsidera ng Mangatarem PNP na sarado na ang kaso kaugnay sa pagpatay sa isang guest relation officer GRO sa Brgy. Tagac, Mangatarem, Pangasinan.

Ito mismo ang nilinaw ni Police Major Aurelio Manantan, hepe ng Mangatarem PNP sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon sa opisyal, bagama’t naresolba na, hindi pa maituturing na ‘case closed’ ang naturang insidente. Aniya, open pa ang kaso at hanggang sa ngayon ay patuloya ng kanilang imbestigasyon.

--Ads--

Dagdag pa ni Manantan, ikinokonsidera nang “solved” pero hindi pa umano “closed” ang kaso ng brutal na pagpatay sa biktimang si Annalyn Canonisado, 32-anyos na tubo pang Pampanga.

Nilinaw naman ng naturang hepe na kahit pa nahuli na ang dalawang suspek ay ipagpapatuloy pa rin nila ang ang pagbusisi sa lahat ng posibleng anggulo sa brutal na pagpatay at kung sinu-sino pa ang mga posibleng nasa likod ng pamamaslang. with report from Bombo Badz Agtalao