BOMBO DAGUPAN – Bumaba ng 25 percent ang kaso ng leptospirosis sa buong region 1.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV, ng Department of Health-Center for Health Development Region I, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nitong Oct 26, 2024, umaabot na sa 270 ang kaso ng leptospirosis sa buong region 1 kung saan ay pinakamarami mula sa lalawigan ng Pangasinan na may naitalang 77 na kaso , 25 sa lungsod ng Dagupan, 65 sa La Union, 22 sa Ilocos Sur at 28 sa Ilocos Norte.
Sinabi ni Bobis na ang nasabing datos ay mababa kung ikukumpara sa datos na naitala sa parehong period noong nakalipas na taon na may 290 na kaso.
Samantala, tumaas ng 72 percent ang kaso ng dengue sa Region 1.
Sa pinakahuling datos ay nakapagtala ng 10,604 na kaso ng dengue sa region 1, pinakamarami ay sa lalawigan ng Pangasinan na nakapagtala ng 5, 673 habang 546 sa lungsod ng Dagupan, nasa 1,356 naman sa La union, 533 sa Ilocos Sur at 1,627 sa Ilocos Norte.
Pinakaapekto dito ay mga kabataan.
Payo niya sa mga magulang na kapag may tinamaan ng dengue sa pamilya ay pumunta na agad sa ospital.
Dagdag pa nito na bahagyang tumaas din ang influenza like ilnesses dito sa rehiyon.
Sa kanilang monitoring, 32 percent ang pagtaas nito kung saan umaabot sa 11,330 na kaso ang naitala sa buong rehiyon at pinakamarami pa rin ay sa lalawigan ng Pangasinan.