Umabot na sa 160,000 ang kaso ng influenza sa Japan ngayong ikalawang linggo ng Pebrero, ayon sa Japan Ministry of Health, Labour and Welfare.

Sa 47 prefecture, 35 ang nasa “alert level” na dahil sa pagtaas ng mga nahahawaan.

Bunsod nito, mahigit 8,000 daycare center at mga paaralan ang pansamantalang isinara sa buong bansa.

--Ads--

Ayon sa mga eksperto, maaaring magpatuloy ang pagdami ng kaso hanggang Marso o Abril, at may ilang pasyenteng posibleng mahawa nang higit sa isang beses