Hindi naman tumataas ang kaso ng ibat-ibang klase ng scams sa Rehiyon uno ngayong holiday season kung saan nasa 10 kaso lamang naitatala bawat buwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Anna Minelle Laxamana, Legal Officer, National Telecommunications Commission (NTC) Region 1 isa lamang sa mga pinakamataas na kaso na kanilang naitatala ay ang pagblocked ng sim marahil na rin sa mga talamak na nawawala o nananakaw na cellphone.

Aniya na talamak din ang fake delivery scam kahit walang inoorder gayundin ang mga nagsesend ng messages na may kasamang link kung saan kapag pinindot mo ito ay magkakaroon ang scamer ng access sa iyong cellphone.

--Ads--

Bukod dito ay mayroon ding love scam, impersonation scam, job offer scam at financial at investment scam.

Kung saan dito ay target ang mga empleyado lalo na ngayong holiday season dahil nakatanggap sila ng mga bonus sa trabaho.

Kaya’t paalala nito sa publiko na mag-ingat at kapag nabiktima naman ay agad na magtungo sa pinakamalapit na pnp anti-cyber crime group upang maireport agad ang insidente.