Patuloy na binabantayan ng Department of Health Region 1 ang kaso ng food poisoning sa rehiyon uno.


Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV sa Department of Health Region 1, nakukuha ang food poisoning sa pamamagitan ng pagkain na mayroong mikrobyo o bacteria sa kadahilanang hindi naluluto ng maayos ang pagkain.


Aniya, ang micro-organisms sa pagkain, ay pumupunta sa katawan at doon nagpaparami, kung kaya’t makakaramdam ang isang indibidwal ng nakakain nito ng pagsusuka, diarrhea, muscle weakness at posibilidad na mawalan ng malay.

--Ads--


Kaugnay nito, nauna nang sinabi ni Bobis na kinakailangang panatilihing malinis ang pagkain, partikular na ang mga kagamitan na gagamitin sa food preparation gano’n na rin ang mga sangkap at food sources.


Dagdag pa nito, mahalaga rin aniya na panatilihin ang maayos na temperatura sa mga pagkain, dahil nakakaapekto rin ito sa pamumuo ng bacteria kung kaya’t pinayuhan ni Bobis na mas makakabuti kung ilagay na lamang ang mga ito sa refrigerator.