Umabot na sa 470 ang kabuuang kaso ng dengue sa rehiyon uno sa unang buwan ng taong 2025.

Kung saan sa lalawigan ng Pangasinan ay may pinakamarami na nasa 155, 97 sa La Union, 71 sa Ilocos Sur at 43 sa Ilocos Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis Medical Officer IV Center for Health Development (CHD) Region 1 nagkaroon ng pagtaas ngayong taon ng nasa 269 kung ikukumpara noong nakaraang taon.

--Ads--

Kung saan aniya ang pagtaas ay hindi naman maituturing na epidemic o malakihang pagtaas subalit ang pagtaas ay dahil narin sa pag-ulan sa pagsisimula ng taon.

Isa umano ito sa naging dahilan ng pagtaas ng exposure ng mga tao sa dengue mosquito kaya tumaas ang kaso nito.

Kaugnay nito ay dalawang kaso na ang naitalang nasawi kung saan isa sa La Union at isa din sa Pangasinan.

Ani Dr. Bobis na ang pinakaapektadong edad ay ang mga nasa 5-14 gulang.

Bagama’t ay year round na mayroong kaso ng dengue ay mainam parin na mag-ingat at panatilihing malinis ang kapaligiran.

Samantala, hinggil naman sa kaso ng influenza sa rehiyon ay 755 na ang kaso sa kabuuang naitatala.

Pinakamarami parin sa Pangasinan na may 251 na kaso, 173 sa La Union, 168 sa Ilocos Norte habang 68 naman sa Ilocos Sur.

Kung ikukumpara naman ito noong nakaraang taon ay nagkaroon ng pagbaba kung saan ani Dr. Bobis karamihan parin sa mga mas tinatamaan ng nasabing sakit ay mga nasa edad 1-4 ang pinakamadaling kapitan.

Gayundin ang mga matatanda, mga kabataan at mga may commorbidities dahil mas malakas ang tyansa na sila ay magkaroon ng komplikasyon.

Kaya’t paalala nito sa publiko na palakasin ang resistensiya, palagiang kumain ng masusustansiya at ugaliing mag-ehersisyo.

Dapat din aniya na magsuot parin ng facemask lalo na kapag pupunta sa matataong lugar.