Aminado ang Department of Health (DOH) Region 1 sa pagtaas ng kaso ng dengue sa rehiyon ngayong taon.

Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, ang medical officer IV ng DOH Region 1, kanilang napansin na tumaas ang regional data ng cases ng dengue sa rehiyon ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Sa kanilang naitalang datos, mula Agosto 18, 2021, nasa 6,061 na ang kaso ng naturang sakit sa rehiyon kumpara sa 2876 lamang noong 2020.

--Ads--

Kung magiging partikular, sa lalawigan ng Pangasinan ay nasa 3,279 dengue cases na ang naitala kontra naman sa 1,996 na kaso lamang noong nakaraan taon.

Habang nakitaan naman ng pagbaba ng kaso sa lungsod ng Dagupan ngayon taon na nakapagtala pa lamang ng 74 kaso ngayon taon mula naman sa 116 cases nanaitala noong 2020.

Dr. Rhuel Bobis, medical officer IV ng DOH Region 1