Bumaba ang kaso ng dengue sa Pangasinan ngayong taon kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2019 .

Ayon kay Provincal Health Officer Dr. Anna Marie de Guzman, umaabot na sa 1,890 ang naitalang kaso ng sakit sa lalawigan.

Sa nasabing bilang ay 13 ang nasawi.

--Ads--

Mas mababa pa rin ito sa 3,559 na bilang na naitala noong nakalipas na taon .

Sa nasabing bilang ay sampu naman ang nasawi. Pinangangambahan na tataas pa ang bilang ng kaso ng dengue dahil hindi pa tapos ang panahon ng tag ulan.

Pangasinan Provincal Health Officer Dr. Anna Marie de Guzman

Kung mapapansin aniya ay may mataas naman ang bilang ng nasawi ngayong taon dahil sa kakulangan sa ligtas at sapat na dugo dahil naging limitado ang pagsasagawa ng blood letting sa probinsya sa panahon ng pandemnya.