BOMBO DAGUPAN – Pataas ng pataas ang naitatalang kaso ng dengue dito sa lalawigan ng Pangasinan kung saan nasa 232 kaso ang naitala noong nakaraang linggo lamang.

Ayon kay Dr. Anna Ma. Teresa S. De Guzman Provincial Health Officer na isa sa mga nakikitang dahilan sa pagtaas ng kaso ng nasabing sakit ay dahil sa maruming kapaligiran lalo na sa mga napag-iipunan ng tubig na kadalasang tirahan ng mga lamok.

Ngayong taon ay may kabuuan ng 1433 kaso sa lalawigan at ang sampu dito ay nasawi at sa parehong panahon noong nakaraang taon ay 1024 naman ang kasong naitala at apat naman ang nasawi.

--Ads--

Nagkaroon ng 31 porsyento na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.

Kaugnay nito ay nasa watchlist ang bayan ng Lingayen kung saan nakapagtala ito ng 226 na kaso pinakamataas sa lalawigan, sunod ang bayan ng Urbiztondo na may 119 na kaso at 113 naman sa bayan ng Bayambang.

Ani Dr. De Guzman ilan sa mag sintomas ng pagkakaroon ng dengue ay lagnat, masakit na kasu-kasuan at panghihina ng katawan.

Dagdag na rin ang pagsakit ng likod ng mata at pamumula ng balat o skin rashes.

Mainam na kapag nakaramdam ng nsabing mga sintomas ay lumapit agad sa eksperto upang masuri.

Samantala, kaugnay naman sa kaso ng leptospirosis ay may 16 cases ng naitala sa lalawigan kung saan ang dalawa dito ay nasawi.

Nagpaalala naman ito na mag-ingat lalo na sa ibat ibang sakit na binabantayan ngayong panahon ng tag-ulan kabilang na diyan ang mga WILD diseases.