Mas mababa ng 53% ang naitalang kaso ng dengue kung ikukumpara noong 2019 sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Dr. Ana De Guzman, Pangasinan PHO Head, sa pinakahuling datos ng kanilang tanggapan nakapagtala ng nasa 4,217 kaso ng Dengue sa buong probinsiya kung saan 14 dito ang nasawi kumpara noong nakaraang taon (2019) na labing-tatlo ang namatay sa 8,950 kaso ng dengue.
Ang mga lugar na nasa watchlist ng PHO na nakapagtala ng mataas na dengue case ay ang bayan ng Bugallon, Umingan, Dasol at Aguilar.
Nasa hotspot area ng dengue ang bayan ng Bugallon dahil pumalo na sa 265 ang kaso ng dengue na naitala mula Enero hanggang November 23 mas mataas kumpara noong nakaraang taon na mayroong 262 na dengue case sa parehong period bagamat wala namang naitalang nasawi.
Ang bayan naman ng Umingan na pumapangalawa sa hotspot area ay mayroong ng 175 na indibiwal ang nadapuan ng dengue ngayong taon mas mataas kumpara noong nakalipas na taon sa parehong period na nasa 153 cases lamang.