DAGUPAN CITY– Aminado si Department of Health o DOH Secretary Francisco Duque III na posibleng madadagdagan pa ang bilang ng mga magpopositibo sa Coronavirus o Covid -19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Duque sinabi nito na dahil sa marami na ang isinasagawang testing ngayon ay posible na madadagdagan pa ang bilang ng kakapitan ng sakit.

Maari aniya na makita sa susunod na tatlong Linggo kung ano ang magiging trend nito, kung bababa ba o tataas pa ang bilang ng magpopositibo.

--Ads--

Hindi naman kasi aniya nangangahulugan na kapag nagpatupad na ng lockdown ay hindi na magkakaroon ng bilang ng positibo sa sakit.

Bukod pa aniya ito sa pagtaas ng testing capacity kayat mas marami ang naisasailalim sa pagsusuri.

Aminado naman ang kalihim ng Departamento ng kalusugan na may kakulangan ng test kit sa bansa .

Kahit pa aniya may mga donasyon ay tingi -tingi lang din ang kanilang nabibili dahil sa shortage nito sa pandaigdigan merkado lalo’t patuloy ding dumarami ang kaso ng covid 19 sa iba’t-ibang panig ng mundo.