DAGUPAN CITY- Pumalo na sa mahigit 100 ang kaso ng mga naitatalang aksidente sa kalsada sa lalawigan batay sa tala ng Pangasinan Police Provincial Office sa kabila ng paggunita ng Road Safety Month ngayong Mayo.
Ayon kay Pcapt. Aileen Catugas ang Public Information Officer ng Pangasinan PPO na nasa 120 na ang naitatala nila simula Mayo 1 hanggang 19 habang sa kabuuan ngayong taon mula Enero hanggang Mayo ay umabot na sa 833 kaso.
Aniya na kung ikukumpara ito sa nakalipas na taon sa parehong buwan umabot lamang sa 627 kaso na nangangahulugang mas mataas parin ngayong taon.
Sa datos nila sa bawat offenses may naiulat na 695 noong nakaraang taon habang ngayong taon ay 942 kung saan kinabibilangan ito ng 77 sa mga reckless imprudence resulting in homicide, 404 ang physical Injury at 461 ang Damage to Property.
Saad pa ni Pcapt. Catugas na ang mga sasakyan na madalas nasasangkot sa aksidente ay mga motorsiklo pumapangalawa na lamang ang mga kotse.