DAGUPAN CITY- Nakapagtala ng mga bagog kaso ng African Swine Fever (ASF) sa rehiyon uno, partikular na sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Alfiero Banaag, Chief Regulatory Division, Department of Agriculture Region 1, Disyembre 17 ng taon 2024 nang naunang makapagtala ng unang kaso ang bayan ng Pozorrubio.

Aniya, isang hog raiser sa Brgy. Batakil ang tinamaan nito. Gayunpaman, hindi na nadagdagan pa ang kaso sa lalawigan.

--Ads--

At sa kasalukuyang buwan, nakapagtala ng kaso sa San Nicolas, Ilocos Norte kaya mahigpit nila itong binabantayan.

Ani Banaag, hanggang sa ngayon ay hindi pa tuluyan mapuksa ang mga kaso ng ASF dahil may mga hog raisers na patuloy din ang hindi pagsunod sa mga ordinansa.

Gayunpaman, isang magandang balita para sa mga hog raisers ang ‘Indemnification Program’ dahil magkakaroon ng kapalit na halaga ang mga surrendered na mga baboy.

Mayroon pa umanong mga ‘request budgets’ para mabigyan pa ng benepisyo ang mga magsasaka o ang mga hog raisers.

Samantala, kung negatibo naman ang mga baboy sa ASF ay maaari naman itong maapektuhan ng Pneumonia dahil sa pabago-bagong panahon.

Dapat lamang ugaliin na maging malinis at tuyo ang mga kulungan upang maiwasan ito. Regular din bigyan ng malinis na pagkain at inumin ang mga alaga.