Maiging tinututukan ng Communications Director Legal Network For Truthful Elections (LENTE) ang mga kasong Abuse of State Resources in Election.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Kevin Juat Bulotano, kinabibilangan din ng nasabing ahensya, ito ay isang uri ng kurapsyon sa politika kung saan ang incumbent na kandidato ay ginagamit ang mga resources ng gobyerno upang magkaroon ng advantage laban sa kakompetensya nito.

Maaari din aniya itong maituring na halimbawa ng vote buying.
Saad naman nito, kinokolekta nila ang mga report na kinauugnayan nito at ipinapadala sa Commission on Elections upang mabigyan ito ng agarang aksyon.

--Ads--

Sinabi din ni Bulotano, na nakakatanggap naman sila ng mga report mula sa kanilang social media account kaugnay naman sa vote buying.

Kanilang vineverify o pinatutunayan ang mga ipinapadalang videos o pictures bilang patunay kung nagsasaad ba ito ng katotohanan.

Nakikipag ugnayan din sila sa Commission on election upang ito ay maberipika.

Samantala, hamon sa LENTE ang mga natatanggap na mga reports sapagkat malinaw na nakikita umano ang mainit na labanan sa ibang mga lugar. Kaya naman paalala ni Bulotano, na mag ingat sa mga ganitong sitwasyon at agad ipaalam sa Comelec kung may napansin na insidente. Maaari din aniyang ilapit sa kanilang tanggapan upang sila mismo ang maglapit nito sa ahensya.

TINIG NI ATTY. KEVIN JUAT BULOTANO