DAGUPAN CITY- Hindi pa rin nawawala ang nakagawian ng mga Pilipino sa Sri Lanka sa tuwing sumasapit ang Undas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Priscila Rollo Wijesooriya, Bombo International News Correspondent sa Sri Lanka, malaki ang pagkakaiba ng mga Sri Lankan sa paggunita ng undas kumpara sa Pilipinas tuwing November 1.
Aniya, hindi tulad sa Pilipinas na nabibigyan ng pagpupugay ang mga namayapang mahal sa buhay kung saan nagsasama-sama ang bawat miyembro ng pamilya.
Mayroon din paniniwala roon na nakakapagtaboy ng masasamang espiritu ang pagsunog sa bao ng niyog.
Gayunpaman, hindi nawala sa mga Pilipino na naroroon ang nakagawiang pagdalo sa misa sa tuwing undas at uuwi para magtirik ng kandila, kasabay ng pagsasalo-salo sa mga nilutong handa.
Nirerespeto pa rin kase aniya ang kultura ng mga kristiano sa naturang Muslim na bansa.










