Napilitan lamang umano ang kasambahay na suspek sa pagnanakaw ng mga alahas at pera ni Department of Transportation (DOTR) Assistant Secretary Goddes Hope Libiran kaya nito nagawa ang krimen.

Kasabay ng pagkakahuli sa suspek na si Marilou Fernandez, 55 taong gulang na kasambahay ni ASec Libiran na tubong barangay Gueguesangen Mangaldan, Pangasinan sinabi nito na nasilaw lamang siya na nakawin ang mga alahas at pera ni Libiran dahil pinalayas na siya sa mga una niyang pinasukan.

Tinatayang nasa P1.2 million pesos ang halaga ng ninakaw na pera at lahas kay Libiran.

--Ads--

Nabatid na nakulong na ang suspek noong 2007 at 2019 sa kasong qualified theft.

Maliban dito natuklasan na ang suspek ay mayroon na ding pending warrant of arrest na inisyu ng RTC sa BiƱan City, Laguna dahil sa kasong robbery.

Sa kaniyang Facebook post, inihayag ni Libiran na nagpabakuna lamang siya at pagkauwi ay nalimas na ang kaniyang pera at lahas ng kinuhang kasambahay na hindi na bumalik matapos na magpaalam na bibili lamang ng bawang at sibuyas.