Ibinahagi ng singer-actress at host na si Karylle ang kaniyang journey kung bakit hanggang ngayon ay tinatangkilik nito ang produktong Sanrio.

Aniya, mula pagkabata ay mahilig na umano ito sa mga laruan.

Pagbabahagi ni Karylle, dati na siyang collector ng mga produktong laruan ng Sanrio lalo ng kapag nagpupunta ito iba’t ibang bansa.

--Ads--

Dagdag pa niya, inilalagay pa niya ang mga ito sa kaniyang bag at nagdadamit pa tulad ng kasuotan ni Hello Kitty na may ribbon.

Kaugnay nito, mistulang hini-heal din aniya nito ang kaniyang inner child.

Sa kabilang banda, ibinahagi rin nito na toy collector din ang kaniyang asawang si Yael Yuzon.

Kung kaya’t makakasiguro itong magkasundung-magkasundo umano ang mag-asawa dahil sa kanilang mga hilig na art toy collection.