DAGUPAN CITY- Ikinalulungkot ng sektor ng mga manggagawa ang kamakailang naudlot na inaasahan nilang taas sahod sa unang araw ng Mayo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jun Ramirez, Vice President ng Federation of Free Workers, patuloy man ang pakikipag ugnayan ng kanilang sektor sa kongreso ngunit hindi pa umano nabibigyan ng pinal na desisyon ang kanilang kahilingan.

Tila’y ayaw din umano magsalita ng sekretarya ng Department of Labor and Employment at hindi isinusulong ang karagdagang sahod.

--Ads--

Tatlong taon na din umiiral ang wage board ngunit barya lamang ang natatanggap ng bawat manggagawa. Kaya nararapat lamang aniyang buwagin na ito at magtatag na lamang ng Legislative Wage Increase para tunay na may makinabang.

Sinabi din ni Ramirez na sinasang-ayunan naman ng Amerikanong mamumuhunan sa bansa ang wage increase ngunit, mismong gobyerno ng Pilipinas ang hindi umaayon.

Hindi naman pinatotoo ni Ramirez ang bantang babagsak ang ekonomiya ng bansa sa oras na itaas ang sahod ng mga manggagawa dahil ito pa mismong ang mag papaangat sa bansa.

Gayunpaman, patuloy pa rin nila itong hihilingin dahil magpapatuloy lamang ang paghihirap ng mga manggagawa kung hindi nila ito makakamit.

Sa kabilang dako, inirereklamo na din ng mga manggagawa na hindi na sulit ang kanilang sahod dahil sa nararanasang init ng panahon.
Nagiging banta kase ito sa kanilang kalusugan kung saan maaari pa itong dumagdag sa kanilang ginagastos.