DAGUPAN CITY- Pinapaburan ng Federation of Free Farmers ang paghiling ng Department of Agriculture (DA) sa pagtaas ng budget para prayoridad na nakatuon sa iba’t ibang produktong agrikultural simula sa susunod na taon.

Ayon kay Leonardo Montemayor, Chairman ng nasabing grupo, ang karagdagang pagtaas ay makakapagbigay pansin pa sa mga iba pang produkto sa agrikultura ng bansa.

Aniya, mapagtutuonan din ang mga pangangailangan ng mga magsasaka sa tuwing tag-ulan para sa pagpapatuyo ng kanilang mga palay at iba pang produkto.

--Ads--

Samantala, kahilingan ng kanilang grupo sa matinding pagbabantay ng gobyerno sa mga illegal smuggling ng produktong agrikultura.

Aniya, labis itong nakakaapekto sa hanap-buhay ng mga lokal na magsasaka at nagdudulot pa ng kanilang pagkalugi.