BOMBO DAGUPANIpinangako umano ng ehekutibo at senado ang pagkakaroon ng karagdagang budget sa Department of Agriculture.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leonardo Montemyor, Chairman ng Federation of Free Farmers, ipinahayag ito bago aniya maratipikahan ang Regional Comprehensive Economic Partnership ng bansa.

Minumungkahi kase ni Department of Agriculture Sec. Francis Tiu Laurel na aabot ito sa P500-billion upang matupad ang mga ipinangako sa mga magsasaka.

--Ads--

Subalit, malaki man ang budget ngayon kumpara noong nakaraang taon, kulang pa din ito para suportahan ang Agricultural Resale Sector ng bansa.

Hiling na lamang ni Montemayor na matiyak na maisasakatuparan ang nasabing pagdagdag sa budget ng DA.

Sa kabilang dako, suportado naman ng FFF ang pag amyenda sa Rice Tarrification Law.

Ito kase ang magbibigay ng kapangyarihan sa pamahalaan na makialam sa kalakalan ng bigas lalo na sa panahon ng emerhensya.