Dagupan City – Kinakailangan ng karagdagang barko ng bansa kasabay ng lumalaking personnel ng Philippine Coast Guard matapos ang panibagong pagbomba ng China Coast Guard sa BRP Datu Pagbuaya.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, ito ay upang makasabay ang bansa sa pwersang militar ng China.
Maatandaan na itinaas ng pangulo ang budget allocations ng PCG para sa karagdagang pwersa at pagmomodernized ng kagamitan ng militar sa bansa.
Kasabay nito, kinakailangan naman aniya ng karagdagang barko na nasa tinatayang 1,000 barko sa lalong madaling panahon.
Samantala, malinaw naman ani Yusingco na ang red line ng bansa sa West Philippine Sea ay ang Arbitral Ruling at United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
At hinggil naman sa pagtitiwala ng Pilipino sa China, nakikita naman aniya na pursigido ang publiko na ipaglaban ang soberanya at depensahan ang karapatan sa WPS.
Matatandaan na nitong miyerkules na binombahan ng water cannon ng dalawang beses at ginitgit ng China Coast Guard 3302 ang BFAR vessel na BRP Datu Pagbuaya habang nagsasagawa ng routine maritime patrol kasama ang PCG sa bisinidad ng Bajo de Masinloc para suportahan ang mga Pilipinong mangingisda na nangingisda sa lugar.