Dagupan City – Inaasahan ng Dagupan City Commission on Election ang karagdagang 5,000 hanggang 7,000 registered voters sa syudad.

Ayon kay Atty. Michael Frank Sarmiento, Dagupan City Election Supervisor, lumalabas man na matumal ang mga nagpaparehistro ngayon kung saan ay umaabot lamang sa 379, ay inaasahan pa rin ang pagtaas nito sa susunod na linggo.

Aniya, sa kabuo-an kasi ay nasa 141,000 Registered voters na ang naitala nila magmula pa noong araw ng Baranggay at Sanggunian Bayan Elections.

--Ads--

Kung kaya’t nakatdakda na silang magbawas o cleansing ng bilang ng mga regsitered voters ngayong nalalapit na abril dahil umaabot na kasi 8,000 na bilang ang mga nadetect na qualified ng maalis dahil na rin sa may mga naitatalang multiple registered voters o registrants flying voters, hindi pagboto ng 2 consecutive elctions, at mga nasawi na.

Samantala, umaasa naman ni Sarmiento na mapabilang ang syudad ng Dagupan sa Register Anywhere Program Venue dahil bukod sa sentro ito ng lalawigan, ay maituturing rin na highly urbanized ito at marami ring mga paaralan o unibersidad na pwedeng pagganapan.
Sa kasalukuyan kasi aniya, ang bayan ng Lingayen lamang ang nag-qualify sa Register Anywhere Program.

Paglilinaw naman ni Sarmiento na ang mga napaulat na Register Anywhere Program Venue ay isang panukala kung saan ay maaring magparehistro ang mga botante mapa Overseas Filipino Worker, o nagtratrabaho man ito sa ibang lugar nang hindi na pumupunta sa kanilang voting residence.