Tinututukan ng Maritime Police ang mga karagatang sakop ng lalawigan ng Pangasinan partikular ang Lingayen gulf sa posibilidad ng pagpasok ng iligal na droga.

Ayon kay P/Captain Denny Torres, Chief ng 102nd Maritime Police Station, patuloy ang kanilang ginagawang pagbabantay sa Lingayen gulf at iba pang karagatan dito sa probinsiya kasabay ng pagbibigay nila sa mga mangingisda ng hotline number na maaari nilang tawagan sakaling may makitang palutang-lutang na bagay sa dagat.

Sa ngayon naman ayon kay Torres ay wala pa silang natatanggap na report mula sa mga mangingisda patungkol sa pinapalutang na iligal na droga sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Dagdag pa ni Torres, bilang bahagi ng kanilang implimentasyon ng Executive Order 305 ay kailangan nang iparehistro ng mangingisda ang kanilang mga gamit na bangka sa lokal na pamahalaan upang makilala na lehitimong residente at hindi lang nagpapanggap na mangingisda para makapamuslit ng iligal na droga sa pamamagitan ng karagatan. with reports from Bombo Framy Sabado