Isinagawa ng sabay sabay ang Comelec checkpoint ngayong araw sa buong rehiyon uno.

Ang National at Local Election 2022 Simultaneous Checkpoints ng kapulisan at Comelec ay paghahanda para sa mapayapa, ligtas at malinis na halalan sa darating na buwan ng Mayo.

Lahat ng mga Municipal at City Police Station ay kinakailangang maglatag ng Comelec checkpoint sa kanilang nasasakupan.

--Ads--

Dito sa lalawigan ng pangasinan ay pinangunahan mismo ito ng Provincial Director ng Pangasinan PPO na si PCol Richmond Tadina ang salubong sa Comelec Checkpoint.

Ngayong araw, Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022, simula na rin kasi ang pagpaptupad ng ELECTION GUN BAN.

Kinakailangan ng permiso at kaukulang dokumento mula sa Commission on Elections ang pagdadala ng baril sa mga nasasakupang petsa ng taon.

Paalala naman ng Kapulisan sa mga motorista na makipag cooperate sa alagad ng batas.