DAGUPAN CITY- Buong nakahanda na ang kapulisan ng San Fabian sa pagdagsa ng mga bibista sa mga sementeryo sa kanilang bayan para sa pagdiriwang ng Undas 2024.
Ayon kay Plt. Col. Danilo Perez, Chief of Police ng San Fabian PNP, nakadeploy na ang kanilang mga kapulisan upang matiyak ang kaayusan sa kanilang bayan.
Aniya, nagsagawa na rin sila ng inspeksyon sa mga sementeryo kung saan nasa maayos na kalagayan ang mga ito. Maliban dyan, kabilang sa kanilang isinagawang inspeksyon ay ang mga pampublikong lugar, kabilang na ang mga bus terminal.
Mahigpit nilang babantayan ang tatlong sementeryo na sinasakupan ng iba’t ibang barangay sa kanilang bayan.
Sinabi rin ni Perez na nakipag pulong na sila sa iba’t ibang ahensya tulad ng Bureau of Fire Protection, Department of Social Welfare and Development, pati na ang mga non-government organization kung saan tinalakay nila ang mga hakbang na dapat gawin para sa Undas 2024.
Kaugnay nito, mahigit 200 ang mga nagbulontaryo sa naturang pagbabantay sa mga sementeryo sa bayan.
Paalala naman ni Perez na mahigpit na pinagbabawal ang alak, videoke, at mga kagamitan na may kinalaman sa pagsusugal gaya ng baraha kapag papasok sa mga sementeryo.
Samantala, ayon kay Perez, inaasahan din ang pagdagsa ng mga tao sa mga baybayin sa bayan kung kayat nakadeploy na rin ang mga pnp personel ng san fabian upang bantayan ang sitwasyon sa naturang pasyalan.
Hinihikayat naman ng awtoridad ang lahat na sumunod sa mga patakaran bago pumasok sa mga sementeryo. aniya, Mahalaga ang pakikipagtulungan ng lahat upang maging ligtas at maayos ang paggunita sa mga yumaong mahal sa buhay sa pagdiriwang ng Undas 2024.