DAGUPAN CITY- Mahigpit na nakabantay ang Mapandan PNP sa pagsalubong ng bagong taon sa kanilang bayan upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Benedict Espinoza, Officer in Charge ng nasabing himpilan, nagsagawa sila ng patroling sa lansangan ng naturang bayan para sa kanilang pagbabantay.

Aniya, mayroon na rin silang nakumpiskang mga boga at nakatanggap na rin ng mga surrendered illegal firecrackers.

--Ads--

Tinutukan din nila ang pagbawal sa paggamit ng baril upang maiwasan naman ang indiscriminate firing o ang ligaw na bala.

Maliban pa riyan, nagsagawa rin sila ng checkpoint para sa kanilang “Oplan Sita” upang sitahin ang mga motorista na gumagamit ng muffler.

Kaugnay nito, sectorized ang kanilang pagtutok upang walang makalagpas sa kanilang pagbabantay.

Sinabi ni Espinoza na bago pa ang pagsapit ng pasko ay pinaigting na nila ang kanilang information dissemination at pagpapatawag ng mga pagpupulong, partikular na sa mga opisyal ng barangay, upang paghandaan ang holiday season.

Sa kabilang dako, pinaghandaan rin ng mga kapulisan sa bayan ng Mangatarem sa kaligtasan ng 82 barangay sa pagsapit ng bagong taon.

Ayon kay PMAJ Mark Ryan Taminaya, Officer in Charge sa Mangatarem PNP, ipinakalap din nila ang mga kaugnay na impormasyon ng mga polisiya sa pamamagitan ng information dissemination.

Aniya, kinumpiska nila ang mga boga at mga illegal na paputok upang makaiwas sa mga disgrasya. Ganun din sa kanilang pagbabawal sa pagpaputok ng baril.

Maging sa mga mufflers ay kanilang mahigpit na binantayan kung saan marami na rin ang kanilang nakumpiska.