Patuloy ang hot pursuit operation ng hanay ng kapulisan sa suspek sa pamamaril sa isang 62 anyos na lalaki sa bayan ng Malasiqui.

Ayon kay PltCoL Jose L. Abaya II ang siyang Chief of Police ng malasiqui PNP na Barangay Taloyan sa naturang bayan na ang biktimang kinilala ay si Jesus Lamsen.

Aniya na “old grudge” o matagal ng hidwaan ang nakikitang sanhi sa pamamaril ng suspek kung saan halos 26 pieces ng fired cartridge ng m-16 at walong fired cartridge ng caliber 30 carbine ang narekober sa pinangyarihan ng insidente na maituturing na high powered na armas.

--Ads--

Dagdag pa nito na tinitingnang anggulo na rin kung may koneksyon ba ang suspek sa mga insidente ng pamamaril sa Pangasinan o kung ito man ay miyembro ng isang criminal gang group dahil sa ginamit nitong high powered gun sa naging pamamaril sa biktimang si Lamsen.

TINIG NI PLTCOL JOSE ABAYA II

Paglalahad nito na base sa imbestigasyon ang biktima ay matutulog na sana sa labas ng kaniyang bahay ang biktima ng pagbabarilin ng suspek.

Wala naman aniyang nadamay sa nabanggit na pamamaril dahil sa wala ang asawa ng biktima ng mangyari ang naturang insidente.

Kaugnay nito ay tuloy tuloy din aniya ang kanilang kampanyang alinsunod sa Seksyon 19 ng Republic Act (RA) 10591, o kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ukol sa pagmomonitor sa mga lisensyadong mga baril.

Sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng kanilang hanay ang tunay na motibo ng suspek sa naturang kaso.

Samantala maituturing na general peaceful aniya ang bayan ng Malasiqui maliban na lamang sa gabi-gabing pagkatala ng mga vehicular accidents sa bayan kung kaya naman pakiusap nito sa mga residente na palaging mag-ingat.