DAGUPAN CITY- Hindi gaano naiiba ang espiritu ng kapaskuhan sa bansang Sri Lanka kumpara sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Priscilla Rollo Wijesooriya, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, sa tuwing kapaskuhan ay hindi nawawala ang kanilang kasiyahan at katuwaan at ang pamimigay ng mga regalo lalo na sa mga bata.

Aniya, kadalasan naman nagdidiwang ang mga pamilaya sa labas ng kanilang tahanan.

--Ads--

Pagdating naman sa pagkain, bagaman vegitarian ang mga tao sa Sri Langka kaya hindi nawawala ang mga patatas sa paghahanda ng pagkain tuwing pasko.

Gayunpaman, hindi nawawala kay Wijesooriya ang pagluluto ng putaheng Pilipino sa tuwing nagdiriwang sila.

Abala rin ang mga residente doon para sa paghahanda sa nalalapit na simbang gabi.

Kaya sa tuwing pagpasok ng Disyembre ay kilala nang dinadayo ang St. Luke’s Cathedral sa Colombo.

Wala man kinaibahan sa Pilipinas ang kanilang kultura sa simbang gabi subalit hindi lamang gaano nilalagyan ng dekorasyon ang bawat simbahan.

Samantala, sa tuwing Disyembre lamang nakikita ang dekorasyon sa mga malalaking establishimento tulad ng mga mall.

Hindi naman mahilig ang mga residente na maglagay ng palamuti sa kani-kanilang tahanan dahil na rin sa kanilang relihiyon.

Subalit bilang isang kristiyano, hindi pa rin nawawala kay Wijesooriya ang paglalagay ng dekorasyon sa kanilang tahanan.