DAGUPAN CITY- Malaki na ang pinagkaiba ng Saudi Arabia noon kumpara sa kasalukuyang hinggil sa pagdiwang ng kapaskuhan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dante Ferrer, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, nagiging maluwag na ang bansa sa kapaskuhan kahit pa man isa itong muslim country.
Aniya, hindi pa lantaran ang mga dekorasyon sa iba’t ibang lugar subalit may ilan pa rin na ginagawa na ito.
Gayunpaman, may ilang mga lugar na ipinagbabawal ang pagpapatugtog ng chistmas songs lalo na sa mga mall, subalit, may mga live bands naman na ito ang kinakanta.
Mahigpit rin ang bansa sa simbahang kristiyanismo kaya may ilang simbahan na nagtatago para lamang magsagawa ng misa.
Pagdating naman sa pagkain, marami pa rin ang pagpipilian maging ang pagkaing pinoy, subalit ipinagbabawal ang karneng baboy.
Samantala, ibinahagi naman ni Ferrer na sa higit isang dekada niyang naninirahan sa Saudi Arabia, masasabi niyang ibang iba talaga ang kapaskuhan sa Pilipinas dahil hindi ito malayo sa pamilya.
At sa tuwing malayo siya, idinadaan na lamang nila sa video call mapasko man o hindi upang maibsan lamang ang pagkalumbay sa pamilya.