DAGUPAN CITY- Hindi sa ika-25 ng Disyembre ang pagdiwang ng kapaskuhan sa Russia kundi sa ika-7 ng Enero sa susunod na taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Juan Paulo Prado, Bombo International News Correspondent sa nasaing bansa, Julian Calendar ang sinusunod na kalendaryo ng Orthodox Christians sa kanilang bansa.
Aniya, tinatawag nilang Orthodox Christmas ang Enero 7 at dahil dito, nagiging regular na araw na lamang para sa kanila ang ika-25 ng Disyembre.
Gayunpaman, simula pa lamang sa unang araw ng Disyembre ay nararamdaman na ang kapaskuhan, partikular na sa Moscow, dahil tulad sa Pilipinas ay mahalagang araw ito para sa kanila.
Ani Prado, ang pagdiriwang nito ay dahil na rin sa kaugnayan sa kanilang relihiyon.
Subalit aniya, higit pang mas mahalaga ang bagong taon para sa mga Ruso.
Pagdating naman sa pagkain, hindi nawawala ang mga alcoholic drinks dahil na rin sa kalamigan ng kanilang panahon.
Iba’t iba rin ang mga pagkain na inihahain sa tuwing nagdiriwang sila.
Ibinahagi rin ni Prado na bilang Pilipino, naibabahagi rin nila ang kasanayang Pinoy sa pagdiwang sa kapaskuhan sa mga Ruso at aniya, nagugustuhan din nila ito.