Ibang-iba ang pagdiriwang ng pasko sa Ireland kung ikukumpara sa Pinas.
Ayon kay Ildefonso Estayo – Bombo International Correspondent sa bansang Ireland bagama’t ay halos hindi ramdam ang kapaskuhan roon ay may mga palamuti na ring nakasabit sa kani-kanilang tahanan kahit papaano.
Bukod pa riyan ay may mga christmas decors na rin sa mga parke, santa claus at mga giant christmas tree. May mga belen ding nakadisplay at mayroon ding simbang gabi.
Kadalasan namang inihahanda tuwing kapaskuhan doon ay mga Irish dishes gaya ng mga turkey recipes.
Bagamat 21 taon na siya sa Ireland ay namimiss niya pa rin ang pasko sa Pinas lalo na ang pangangaroling ng mga bata.
Panawagan niya naman ngayong kapaskuhan na maging mapagbigay at maging matulungin sa kapwa.