Isinusulong ng kampo ni Vice President Sara Duterte na magkaroon ng oral arguments para sa kanilang mosyon para ibasura ang kasong grave threats laban sa bise presidente.

Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ni VP Sara sa grave threats case na si Atty. Paul Lawrence Lim na maghahain ang depensa ng manifestation para igiit ang pangangailangan na magsagawa ng oral arguments sa motion to quash ng pangalawang pangulo, dahil malawak at mabigat ang magiging epekto ng mga kasong ito.

Ayon sa abogado, sakaling masakdal at litisin ang bise presidente, ang iba pang impeachable officers gaya ng Ombudsman, mga miyembro ng Constitutional Commissions, Supreme Court Justices maging ang Pangulo ay maaari ring makasuhan at usigin.

--Ads--

Nauna na ngang naghain ang kampo ng bise president ng mosyon para ibasura ang kaso kahapon, Agosto 13, dahil umano sa kawalan ng hurisdiksyon ng Quezon City Regional Trial Court sa isinampang reklamong grave threats o matinding pagbabanta) laban sa kanya.

Nag-ugat ang tatlong bilang ng grave threats laban sa pangalawang pangulo sa reklamo mula sa National Bureau of Investigation (NBI) may kaugnayan sa online press conference ni VP Sara noong Nobiyembre 2024, kung saan sinabi niyang mayroon na umano siyang kinontratang indibidwal para patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari sa kaniya.

Kabilang din sa pahayag na ito ng bise presidente sa mga pinagbatayan sa Article IV (grave trheats) ng impeachment complaint laban kay VP Sara.