Mahihirapan na umano ang kampo ni Jennifer Laude na ihabla pa ang kasong ipinataw kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton dahil sa paggawad ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional Lawyer dito sa lalawigan ng Pangasinan, na kahit iapela pa ng pamilya ni Laude ang naging desisyon ng pangulo sa hudikatura ay malabo umano ang tiyansa na mabawi pa ang naturang hatol.
Aniya, hindi na kasi maaaring mareview o ikwestiyon ng korte suprema ang naging desisyon ng presidente sapagkat saklaw umano ito ng kanyang kapangyarihan.
--Ads--
Dagdag pa ni Cera, na ang pagbibigay umano ni Duterte ng pardon at parole ay kanyang katungkulan at maari niyang ibigay sa sinuman na deserving rito.