Umalma ang defense counsel na si Atty. Justin Nicol Gular matapos ihayag ng private prosecutor na si Atty. Erwin Matib na “laging nananalo” si Vice President Sara Duterte bilang director ng isang partikular na kumpanya.
Nagsimula ang tensyon nang tanungin ni Matib ang witness na si Gerardo Del Rosario mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) ukol sa proseso ng pagpili ng mga miyembro ng board of directors. Sinagot ng saksi na ang mga director ay pormal na inihahalal ng mga shareholder sa pamamagitan ng isang eleksyon.
Kasunod ng pahayag ng saksi, sinabi ni Matib na tila taon-taon ang ginagawang eleksyon at “laging nananalo” si Duterte bilang director sa naturang korporasyon, isang pahayag na agad na tinutulan ng depensa.
Giit ni Atty. Gular, dapat na nagmumula mismo sa saksi ang mga ebidensya at hindi sa mga sariling konklusyon o opinyon na ginagawa ng prosecutor habang nagtatanong.
Dahil dito, pormal na hiniling ng defense team na i-strike sa opisyal na record ang mga ginawang conclusion ni Matib tungkol sa mga katotohanan at batas, na ipinakitang maituturing lamang na mga talumpati o pahayag na walang pormal na batayan mula sa witness.










