Dagupan City – Nanawagan ang Kamanggagawa Party-list ng Total Ban sa Online Sugal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nanindigan si Rep. Eli San Fernando ng Kamanggagawa Party-list na hindi sapat ang simpleng pagtanggal o pagpapataw ng parusa sa mga taong nagpapalaganap ng sugal, lalo na sa online platforms.
Ayon kay San Fernando, malaki ang impluwensya ng mga ito sa mga ordinaryong mamamayan.
Dagdag pa rito ang mga endoser na kumikita sa maling pagpapakalat ng impormasyon at maling kaalaman tungkol sa sugal.
Dito na niya binigyang diin na ang masama pa rito, kinakagat ito ng maraming Pilipino.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni San Fernando ang ilang mahahalagang bahagi ng panukalang batas na kanyang co-authored, na layuning supilin ang online gambling sa bansa.
Kabilang sa mga pangunahing probisyon ng panukala ay ang mga sumusunod:
Pag-alis ng access sa online sugal mula sa e-wallets – upang hindi ito magamit bilang kasangkapan sa pagpopondo ng pagsusugal online.
Pangalawa ay ang mahigpit na regulasyon sa advertisements – kabilang ang pagbabawal sa billboards at iba pang public promotions na nag-eengganyo sa pagsusugal.
Pangatlo ay mabigat na parusa sa online gambling operators – Dapat aniyang masawata ang lahat ng online gambling sites at huwag silang bigyan ng anumang puwang sa regulasyon.
At pang apatt ay ang pagbabawal sa PAGCOR at POGO sa anumang uri ng promosyon ng online sugal – Dahil umano sa conflict of interest at lumalawak na negatibong epekto nito sa lipunan.