DAGUPAN CITY- Matagumpay na isinagawa ang pagdiriwang ng mental health awareness months sa South Central Integrated School sa lungsod ng San Fernando, La Union.
Ayon kay Bernalexi Caballero, Nurse 1 Health Education and Promotion Officer, mahalaga ang paghingi ng tulong sa mga mental health facilites upang matugunan agad ang mga problema lalo na kung may kinalaman ito sa kaisipan ng mga tao at makaiwas sa anumang posibleng kapahamakan.
Aniya, karaniwang dahilan ng mental health issues ay ang mga workload assignments para sa mga estudyante, para sa mga indibidwal naman ay problema sa pamilya, at mga isyu sa pag-ibig.
At kung makaramdam ng mental health distrubances tulad ng kakulangan sa konsentrasyon, stress, at depresyon ay mahalagang lumapit sa mga mental health facilites.
Para sa mga estudyante, makakabuting lumapit sa mga guidance offices upang maglabas ng saloobin. Samantalang ang mga indibidwal naman ay maaaring kumonsulta sa mga ahensya ng mental health facilities o sa mga psychiatrist na malapit sa kanilang lugar.
Saad pa ni Caballero, mahalagang malaman ng mga tao ang naturang programa dahil marami ang hindi kumikilos para humingi ng tulong mula sa mga opisina ng nasabing pasilidad kaya nauuwi lamang sa depresyon.
Kaniya namang hinihimok ang mga residente na dumulog sa mga ahensyang ito upang makakuha ng sapat na suporta at tulong sa kanilang mga problema.
Dagdag pa niya, totoong nararanasan ang mga nasabing isyu at hindi lamang ito imbento o kathang-isip.
Para sa mga nais magpakonsulta, maaari aniyang tawagan ang mga numerong 09283915872 (Smart), 09276598758 (Globe), at 888-6915 (hotline).
Samantala, kasabay naman ng naturang programa ay ang Kapihan sa DOH kung saan layunin nitong ipagdiwang ang kamalayan sa mental health na may temang “Lifting each other Through Peer-Led Spaces.”
Tinalakay din dito ang mga kalagayan ng mga programa para sa mental health at ang mga isyung hinaharap ng mga residente ng lungsod upang sama-samang matutuhan ang pangkalusugang kaalaman na hatid ng doh at local center health development.