BOMBO DAGUPAN – Nakakuha si vice president Kamala Harris ng sapat na suporta ng democratic delegates para tuluyang maging opisyal na pambato ng partido sa halalan na ihaharap kay dating pangulong Donald Trump
Ayon sa isang survey, natanggap ni Harris ang pag-endorso ng higit sa 1,976 na delegado na kailangan upang manalo sa nominasyon sa unang round ng pagboto.
Ang mga delegado ay mga taong pinili upang kumatawan sa kanilang lugar na elektoral sa Democratic National Convention (DNC).
Ang pagboto ng delegado ay nakatakdang maganap mula Agosto 1-7.
Ang mga delegasyon mula sa hindi bababa sa 27 na estado ay naglabas ng mga pahayag ng kanilang buong pagsuporta kay Harris.
Mula ng inindorso siya ni Biden ay milyun-milyong dolyar na mga donasyon ang bumuhos sa kanyang kampanya at ang mga nangungunang Democrat ay pumila upang suportahan ang kanyang bid bilang Democratic nominee.
Nagpasalamat naman si Harris sa dumaraming bilang ng mga kasalukuyan at dating opisyal ng US na nag-endorso na maging pangulo ng America.