Tinanggap na ni Kamala Harris ang pagkatalo sa presidential election at kaniyang tinawagan na si Donald Trump upang batiin ito.

Sa kanilang pag-uusap, tinalakay nila ang kahalagahan ng pagkakaisa sa kanilang bansa.

Binigyang pagkilala naman ni Trump ang kalakasan, propesyonalismo, at pagiging matatag ni Harris sa pangangampanya nito.

--Ads--

Samantala, mabigat naman para sa campaign chief ni Kamala Harris ang pagkatalo nito sa halalan.

Aniya, isang mahabang proseso ang kanilang pagdadaanan upang matanggap ang pangyayari.

Giit pa niya, magsisimula na ang pagpoprotekta sa America mula sa idudulot ng administrasyong Trump.

Nakatakda naman sa Enero 20, taong 2025 ang panunumpa ni Donald Trump bilang bago at muling uupong pangulo ng Estados Unidos