BOMBO DAGUPAN – Malaki ang posibildad na mahalal na maging susunod na pangulo ng Amerika.
Ayon kay Prof. Gabriel Ortigosa, Bombo International News Correspondent sa USA, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagpan ito ay sa dahilang ang mga dating presidente ng bansa ay nag indorso kay Kamala Harris, maging ang dating spokesperson sa White House ni dating US pres. Donald Trump, ang ibang political leaders ng Republican at maraming iba pang opisyal ng bansa.
Naniniwala si Ortigosa na kaya umaani ng suporta si Kamala ay dahil nakikita nila ang kanyang leadership with integrity at magandang performance base sa kanyang serbisyo sa gobyerno.
Taliwas kay Donald Trump na pansarili ang interes si Kamala ay lumalaban para sa mga tao.
Kung mahahalal, si Kamala Harris ay kauna unahan na isang babae na ang mga magulang ay immigrant.
Sa kasalukuyang poll, nangunguna si Harris ng 4 points at patuloy na umaangat din ang kanyang popularity.