BOMBO DAGUPAN – Sa unang pagkakataon ay nagsamang nangampanya sina Democratic presidential nominee na si Kamala Harris at ang kanyang bagong napiling vice presidential running mate na si Minnesota Governor Tim Walz, sa Philadelphia, kung saan ay sinimulan sa isang multi-day tour sa battleground states.
Sa kanyang mga pahayag sa harap ng higit sa 10,000 na katao sa Temple University, inilarawan ni Walz ang kanyang paglaki sa isang maliit na bayan ng Nebraska, ang kanyang 24 na taong paglilingkod sa Army National Guard at ang kanyang naunang karera bilang isang guro sa araling panlipunan sa high school at coach ng football.
Naging matagal ng nagsusulong si Walz ng women’s reproductive rights at conservative habang nagrerepresenta sa rural district sa US House.
Ang pagpasok ni Harris sa karera pagkatapos na umatras si Pangulong Joe Biden mahigit dalawang linggo lamang ang nakalipas ay mabilis na nagpabago sa kampanya sa halalan na dahil ay pinanguguahan ni dating US president Donald Trump.