DAGUPAN CITY- Dapat umanong panatilihing matatag at maayos ang kalusugan ng bawat isa mayroon mang kumakalat na sakit o wala.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Mendoza ng Alliance Health Workers, sinabi ng Department of Health ay walang dapat ipangamba dahil wala pa umanong nagpositibo sa balitang mayroong kumakalat na virus.
Aniya, dapat ay panatilihin pa rin ang pagiging alerto sa paligid at kalusugan kung may mga nararamdamang kakaiba sa katawan.
Dagdag niya, importante ring malaman ang mga pinagkukunan ng impormasyon upang hindi ito magdulot ng pangamba sa karamihan lalo na sa ating mga kababayan sa bansa.
Sa ngayon ay hindi tinatanggal ng grupo ang posibilidad na maaaring magkaroon ng panibagong sakit o virus sa ating panahon, kaya’t ibayong pag-iingat at pangangalaga sa kalusugan ang kanilang payo sa ating mga kababayan sa bansa.