DAGUPAN CITY- Dapat na pagtuunan ng pansin at magdoble ingat ang bawat isa dahil sa banta ng mainit na panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV ng Department of Health Region 1, dapat na panatilihin ang kalusugan at ligtas na pamumuhay lalo na sa nararanasang mainit na panahon.
Aniya, maraming maaaring gawin upang lumamig ang pakiramdam at maayos na pag-iisip.
Dahil sa init ng panahon ay talamak na naman ang mga naglipanang sakit na maaaring makuha tulad ng diarrhea at sakit sa balat mula sa pagligo sa maruming swimming pool.
Dapat rin aniyang magdoble ingat dahil sa mga kaso ng drowning incidents.
Samantala, wala namang patunay ang pagkakaugnay ang pagsakit ng ulo o pagtaas ng dugo sa ulo dahiil sa mainit na panahn at pagpasok sa malamig na lugar tulad ng malls.
Hindi rin aniya totoo na maaaring magkakuto ang isang tao sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw.
Pinaalalahanan din ng opisyal ang bawat isa na laging maglinis ng katawan tuwing uuwi galing sa labas at mag-suot ng komportableng kasuotan upang mapanatili ang komportableng pakiramdam.