Dagupan City – Kasalukuyan ngayong nakakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko sa parte ng AB Fernandez east Av. sa Barangay Pantal dahil sa ginagawang kalsada.
Kahapon ay tumagal hanggang gabi ang naging pagbigat nito kaya tinutukan na ito ng hanay ng Public Order and Safety Office ngayong araw upang hindi na maulit ang nasabing pangyayari.
Ayon kay Rexon De Vera ang Deputy Chief ng nasabing opisina na nagdagdag na sila ng enforcers para tumutok kung saan nasa 8 na ang nagmamando ng trapiko.
Ang nagpapabigat ng daloy ng trapiko ay ang mga sasakyan na napapahinto sa gitna nito at mga pumapasok at lumalabas sa mga establisyemento malapit.
Aniya na magkakaroon ngayong araw ng pagsemento sa isang linya ng kalsada sa lugar kaya aasahan pa na mas bibigat ito.
Hindi naman aniya ito magpapatupad ng One Way traffic scheme dahil sa tinatarget nilang ruta na maaring alternatibong ay may pagbigat din.
Samantala, inaasahan na tatagal ang pagbigat nito hanggang mamayang alas-dose ng tanghali ngunit
Kaya nagpaalala naman ito sa publiko huwag na munang dumaan ang ilang motorista upang maiwasan ito bagkus ay maghanap ng alternatibong mga daanan kung pupunta sa Downtown Proper.