Ikinababahala na ng National Union of Peoples’ Lawyers – NUPL ang lumolobong bilang ng pag-atake at pagpaslang sa mga abogado.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty Ephraim Cortez Secretary General ng NUPL sinabi nito na ‘alarming’ na ang nangyayaring pagpaslang sa mga miyembro ng legal profession.
Umabot na kasi aniya sa tatlumpong walo (38) ang bilang ng mga napatay na abogado dito sa bansa simula noong taong 2016.
Ayon pa kay Cortez kung magpapatuloy ang ganitong sistema sa bansa ay mawawalan umano ng tatakbuhang abogado ang mga kliyente.
Hinimok naman ni Cortez ang mga kinauukulan na na maglaan ng sapat na hakbangin para matugunan at matiyak ang personal at professional safety ng Filipino lawyers upang sa ganon ay tuluyan na umanong maiwasan ang anumang pag-atake sa kanilang independence at security.