DAGUPAN CITY- Dapat na seryosohin ang usapin ukol sa pangkalikasan at kapaligiran, dapat tutukan ang kalikasan sa lahat ng panahon at huwag itong kalimutan matapos ang mga selebrasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jove Benosa, Zero Waste Officer ng Ecowaste Coalition, ang Earth Day ay paalala lamang ng patuloy na responsibilidad nating lahat para sa kapaligiran.

Aniya, may isinagawang mga Earth Day activity sa iba’t ibang rehiyon, kabilang ang “Earth Island” na nakatutok sa mga isyung pangkalikasan tulad ng climate change, basura, polusyon sa hangin at tubig, karapatan ng mga hayop, at pangangalaga sa mga endangered species at ecosystem.

--Ads--

Kasama rin sa mga tinutukan ang kalagayan ng mga frontliners sa waste management sector na madalas ding nakalilimutan.

Isa rin sa mga pinaka-malalang problema sa ngayon ay ang climate change at ang patuloy na pagdami ng basura, kasama na ang greenhouse gas emissions at maling paggamit ng enerhiya.

Hinimok niya ang lahat na makibahagi sa mga panawagan, makinig, at kumilos at dapat na hindi na sapat ang pagiging aware, kailangan ay tunay na malasakit at pagkilos.